Ilaw Sa Daan

Ilaw Sa Daan

IV Of Spades

Mga ilaw sa daan ay nakikisabay sa liwanag ng buwan
Habang ako’y nakatingin sa kawalan nang hindi mo pansin
Mga taong nalampasan ng apat na gulong na akin ngang sinasakyan
Sa inipong usok ay bitin na naka-ipit sa gitna at pang bituin

Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo

Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya. Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw

Mga tao sa daan; sila’y sabay-sabay sa paggawa ng paraan
Upang lapitan ang lasing na unti-unting umiikot ang paningin

Tuloy-tuloy sa pagtakbo
Biglaang hihinto sa dulo

Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya, damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw

Kung makikita mo naman; lahat sila ay nagkakaisa
Tumatalon, sumisigaw, humihiyaw ang iba sa kanila
Hindi mo na mapipigilan ang saya. Damdamin mo ay umaapaw
Sulitin mo ang buong gabi bago pa sumapit ang araw

Ilaw Sa Daan

Comentarios

Deja tu comentario:

Noticias de interés

Últimas noticias musicales

Reportar letra