First Rabbit

First Rabbit

MNL48

minsan sa’ming paglalakad
kami’y napadpad
sa kwebang madilim
walang makita
aking mga kasama
sa dilim natakot na
ayaw nilang pumasok pa
naghintuan na

pero ako
natuwa sa’king nakita
kahit sa dilim ay matapang ako

kahit na masaktan
‘di katatakutan
kahit ang kadiliman
‘di uurungan
dahil ang pangarap ay pinaglalaban
saisho no usagi ni narou

hindi maipagmamalaki
kung mahina ang loob
itaas ang sarili
tapang ang sandata
basta tuloy ang laban
kakampi ang mga bituin
sa daraanan ko
bakas maiiwan

kahit na sa
puso ay may pagdududa
tatapangan ang loob
lalaban ako

nasusugutan
may matututunan
kahit ako’y lumuha
kahit pa masaktan
lahat ng hirap at dusa titiisin ko
saisho no usagi ni narou

tignan n’yo
lahat tayo ‘di matatalo
sa buhay huwag susuko
buong loob susugod na
walang iwanan magtatagumpay lahat

kahit na masaktan
‘di katatakutan
kahit ang kadiliman
‘di uurungan
tulad ng pangarap na pinaglalaban
tuloy-tuloy walang susuko hanggang magkatotoo na lahat
nasusugatan
may matutunan
kahit ako’y lumuha
kahit pa masaktan
lahat ng hirap at dusa titiisin ko
saisho no usagi ni narou

First Rabbit

Comentarios

Deja tu comentario:

Noticias de interés

Últimas noticias musicales

Reportar letra