Umiindak Na Saya

Umiindak Na Saya

MNL48

Oh ang tadhana’y mapagbiro
Tayo ay pinagtagpo
Tumigil ang puso sa pagtibok
Ngunit sa iyo’y ito ay aking itinago

Paano na ba talaga ako?
Kahit sobrang may gusto sa iyo
Nais kong mag-solo sa istasyon
Ngayo’y naiinis na sa sarili

Isang simpleng pagkakataon
Pagsisihan habang panahon kaya’t
Dasal ko sa diyos na ibalik
Ang oras upang masilayan kang muli

Oh ang babae
Minsan siya ang humahabol
Umiindak-indak ang kanyang saya
Itatapon lahat makamit lang ang pag-ibig nya

Oh ang babae tuwing umiibig siya’y masigla
Umiindak-indak ang kanyang saya
Sa hanging pinag-aapoy ang damdamin
Kahit ano ay gagawin

Kung ika’y hanggang tingin na lang
Walang mangyayari sa atin
Abutin mo ang aking kamay
Pag-apuyin ang ating damdamin

Ang hagdan ng kamulatan
Ay aakyatin ng mabilisan
Masabi lang sayong mahal kita
At hindi kailanman ipagpapalit

Oh ang babae
Pag-umiibig sadyang kay sigla
Umiindayog na ang kanyang saya
Sa hangin ay patuloy ang pag-indayog niya

Dahil pag umiibig ang babae ay parang saya
Umiindayog na ang kanyang saya
Tatakbo at hahabulin ka
Sa ngalan ng pag-ibig

Habol hininga’t tumutulong pawis ‘di iinda
Patuloy pa rin na mag at hahabol sa’yo
At kapag ikaw ay inabutan ko
‘Di mahihiyang sabihin sa’yo
Sa mundong ito
Ikaw lamang ang tanging napupusuan ko

Oh ang babae
Minsan siya ang humahabol
Umiindak-indak ang kanyang saya
Itatapon lahat makamit lang ang pag-ibig nya

Oh ang babae tuwing umiibig siya’y masigla
Umiindak-indak ang kanyang saya
Sa hanging pinag-aapoy ang damdamin
Kahit ano ay gagawin

Aitakatta (Gustong Makita!)

Comentarios

Deja tu comentario:

Noticias de interés

Últimas noticias musicales

Reportar letra