Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
Tayo ba’y mga tau-tauhan
Sa isang dulang pangkalawakan
Mga anino ng nakaraan
Alipin ng kinabukasan
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
Tayo ba’y mga saranggola
Na nilalaro sa himpapawid
Makakawala ba sa pagkakatali
Kapag pinutol mo ang pisi
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
Tayo ba’y mga sunud-sunuran
Sa takda ng ating kapalaran
Kaya ba nating paglabanan
Mga sumpa ng kasaysayan
Liparin mo sa ulap
Sisirin mo sa dagat
Hukayin mo sa lupa
Baka naroon ang kalayaan
Comentarios
Deja tu comentario: